VP Binay lumarga pa sa Pulse Asia
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - January 6, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Muling namayagpag ang trust at approval ratings ni Vice President Jejomar Binay sa latest survey ng Pulse Asia sa last quarter ng 2015.

Sa naturang data, nakakuha si Binay ng +52 na approval rating o mas mataas ng siyam na puntos mula sa dating +43 noong Setyembre 2015, habang +49 o mas mataas naman ng 10 puntos ang kaniyang trust rating mula sa dating +39.

Pinakamataas ang approval rating ng pangalawang pangulo sa Visayas, pangalawa sa Luzon at Mindanao.

Ayon pa sa Pulse Asia tumaas ang performance at trust ratings ni Binay sa lahat ng socio-economic classes at regions sa bansa. Ang survey ay ginawa mula December 4 hanggang 11.

Samantala nananatili naming trusted official si Pangulong Aquino na nakakuha ng 55% public approval at 53 percent trust rating, habang si Senate President Franklin Drilon ay may 51% approval.

Kung matatandaan sa Dec 4-11 survey ng Pulse Asia ay muling nanguna si Binay sa napipisil ng mga botante bilang presidential bet sa 2016.

Sa data ng Pulse Asia, nakakuha si Binay ng 33%; si Davao City Mayor Rod­rigo Duterte, 23%; Sen. Grace Poe, 21%; Mar Ro­xas, 17% at Sen. Miriam Santiago, four percent.

Umaabot sa 1,800 ang bilang ng respondents sa nabanggit na survey.

Nakuha ni Binay ang National Capital Region (30%), Balance Luzon (34%) at Visayas (34%).

Napanatili rin ni Binay ang pangunguna sa Class E (42%) at nakuha niya ang highest votes mula sa Class D (30%).

ACIRC ANG BALANCE LUZON BINAY CLASS D CLASS E DAVAO CITY MAYOR ROD GRACE POE MAR RO MIRIAM SANTIAGO PULSE ASIA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with