^

Bansa

Poe suportado ng Partido Galing at Puso senatoriables

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Todo-suporta kay Senador at presidential candidate  Grace Poe ang mga kandidatong senador ng Partido Galing at Puso kasabay ng pagbatikos nila sa anila’y “lutong-makaw” na desisyon ng Second Division ng Commission on Elections. 

Kumpiyansa sina Valenzuela Rep. Sherwin Gatchalian, Edu Manzano, Atty. Lorna Kapunan, Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, dating Sen. Juan Miguel Zubiri, Manila Vice Mayor Isko Moreno, ACT-CIS party-list Rep. Samuel “Sir Tsip” Pagdilao, Rep. Roman Romulo, OFW advocate Susan Ople at dating Sen. Richard Gordon na sa huli ay papayagan din si Poe na ipagpatuloy ang kanyang kandidatura sa pagka-pangulo sa halalang 2016.  

“Ito na po ‘yung resulta ng ‘tanim-DQ’ na sinasabi ko nitong mga nakaraang araw. Ang pagtatanim ng mga disqualification case laban kay Senator Grace ay isang uri ng panlalamang at pagsasamantala ng kanyang mga kalaban upang alisan ng karapatan ang mga Pilipino na pumili ng isang pinunong may ga­ling at puso sa isang malinis na halalan,” ani Moreno.

Ayon kay Colmenares, sinasalamin ng naturang desisyon ng Comelec ang kawalang katarungang panlipunan na umiiral sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Iginiit naman ni Romulo na, sa mga isinasaad sa Konstitusyon, mga batas at naunang mga desisyon ng Korte Suprema na kanyang nabasa, kuwa­lipikadong tumakbong presidente si Poe.

Sa panig naman ni Ople, dapat na hayaang tumakbo si Poe dahil ang bayan naman ang hahatol kung sino ang karapat-dapat na ilagay sa Malacañang.

Sinabi naman ni Pagdilao na isa ring abogado na hindi pa tapos ang laban hangga’t hindi pa sinasabi ng Supreme Court na tapos na nga ito. Lilipas din anya ang baptism of fire ni Poe.

Pinuna naman ni Zubiri ang pagmamadali ng Comelec Second Division na i-disqualify si Poe samantalang hindi pa ito nagpapasya sa kaso ng mga “nuisance candidate.”   

Ayon naman kay Manzano, inihain ang naturang mga kaso laban kay Poe para gipitin ang mambabatas na patuloy na nangu­nguna sa lahat ng sarbey.

Magugunitang ibinulgar ni dating Senador Richard Gordon noong Oktubre na kinausap siya ng ilang tao mula sa Liberal Party at maging sa United Nationalist Alliance (UNA) para sampahan ng disqualification case si Poe subalit tumanggi ito.  

“Hindi lang ako na­babahala sa PCOS system sa kabila ng babala ng maraming grupo. Mas nakakabagabag ang paggamit nila ng lahat ng uri ng taktika para madis­kwalipika ang mga kandidato na sa tingin nila ay hahadlang sa kanilang tagumpay,” ani Gordon.

ACIRC

ANG

AYON

BAYAN MUNA REP

COMELEC SECOND DIVISION

EDU MANZANO

GRACE POE

JUAN MIGUEL ZUBIRI

MGA

NBSP

POE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with