Bakit pupunta ka sa Switzerland Mercado? - Binay
Ellen Fernando (Pilipino Star Ngayon) - October 7, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Kinuwestyon kahapon ng kampo ni Vice President Jejomar Binay ang plano ni dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado na humingi ito ng asylum sa Switzerland kapag nahalal na presidente si Binay sa 2016.

“Ano ang meron sa Switzerland? Ang alam ng lahat, d’yan may mga bank accounts ang mga big-time grafters,” sabi ni Atty. Rico Quicho, spokesperson for political affairs ng bise presidente.

Ipinagunita sa paha­yag ni Quicho na sa Switzerland natunton ng mga awtoridad ng Pilipinas ang mga ill-gotten bank account ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na napatalsik sa kapangyarihan noong 1986.

Noong Pebrero 2014, nabawi ng pamahalaan ang huling bulto ng Marcos Swiss account na halagang P1.3 bilyon o US$29 milyon makaraang ideklara ng isang korte ng Singapore na merong legal title sa mga deposit ang PNB.

Samantala, nadawit din si Mercado sa kontrobersiya sa nadakip na magkapatid na Reyes na lumilitaw na nakokontak ng dating vice mayor habang nagtatago ang mga ito.

Ginawa ni Quicho ang pahayag bilang reaksyon sa P3 bilyong plunder complaint na isinampa laban kay Binay noong Oktubre 6 kaugnay ng transaksyon ng Boy Scouts of the Philippines at ng Alphaland.

Pero sinabi ni Quicho na si Mercado ang dapat kasuhan sa Alphaland deal. Si Mercado umano ang nagsaayos ng transaksyon at humingi ng kickback sa Alphaland na pinatunayan ng isa nitong opisyal na si Mario Oreta.

“Tulad ng iba pa nilang mga alegasyon, wala itong batayan at sa patas na pagdinig, ito’y ibabasura,” dagdag ng abogado ni Binay.

Pero sinabi ni Quicho na hindi na sila umaasa ng patas na trato mula sa Ombudsman dahil sa mga nagdaang alegasyon nito noon laban kay Binay.

“Lumitaw sa imbestigasyon ng Senado na si  Mercado ang humingi ng personal niyang benepisyo sa Alphaland.

Nauna nang pinabulaanan ng mga opisyal ng BSP at ng Alphaland ang paglahok ni Binay sa naturang transaksyon.

ACIRC ALPHALAND ANG BINAY BOY SCOUTS OF THE PHILIPPINES MAKATI VICE MAYOR ERNESTO MERCADO MARCOS SWISS MARIO ORETA MERCADO MGA QUICHO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with