^

Bansa

Cayetano kay Duterte: A good partner is worth waiting for

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Handang maghintay si Sen. Alan Peter Cayetano sa huling desisyon ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa pagtakbo bilang pangulo sa 2016.

“A good partner is worth waiting for,” pahayag ni Cayetano.

Naging mainit ang usap-usapan sa pagtatambalan nina Cayetano at Duterte matapos magdeklara ng pagtakbo bilang bise presidente ang senador sa Davao City.

Tumindi pa ang panawagan sa pagtakbo ni Duterte matapos silang magpulong ng pribado ni Cayetano nitong kamakalawa.

Samantala, sinabi ni Duterte na si Cayetano ang kukunin niyang running mate kung sakaling magbago ang kaniyang naunang desisyon na magpahinga na sa politika.

"Si Alan? Of course. He is a lawyer. He's very articulate, marunong," sagot ni Duterte nang tanungin kung malaki ang tsansa ni Cayetano sa nalalapit na eleksyon.

Sa kabila nito ay iginiit ni Duterte na wala pang malinaw sa ngayon, kabilang ang kaniyang karera sa 2016.

 “We were just making some projections. We also talked about team-ups and tandems, but nothing definite. Hanggang ngayon, sabi ko, hindi pa naman ako kandidato."

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

ANG

CAYETANO

DAVAO CITY

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

DUTERTE

HANDANG

HANGGANG

SAMANTALA

SI ALAN

TUMINDI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with