^

Bansa

CBCP tutol sa divorce sa Pinas

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mariin pa ring nanindigan ang Simbahang Katolika laban sa panukalang batas na payagan ang diborsiyo sa bansa at ma-decriminalize o hindi na maparusahan ang masasangkot sa adultery o concubinage.

Pahayag ni Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) Presidente Lingayen-Da­gupan Archbishop Socrates Villegas, ang mga naturang panukala ay taliwas sa isinusulong ng Konstitusyon na protektahan ang pamil­ya at ang mga bata.

Nilinaw ni Villegas na bagamat ang Pilipinas na lamang ang bansang walang diborsyo ay hindi naman dahilan ito upang maging ‘apologetic’ ang mga Pinoy.

Hindi rin aniya katwiran na ang diborsyo ay para sa mga pagsasamang wala ng pag-asang maayos pa dahil marami naman aniyang remedyo hinggil dito tulad ng legal separation, annulment at declaration of nullity at batas laban sa karahasan sa mga kababaihan at mga kabataan.

Ayon pa sa CBCP, patunay rin ito na ang dapat lamang pumasok sa pag-aasawa ay ang mga taong may sapat nang edad o kaalaman sa papasuking responsibilidad.

Maaabuso lamang umano ng iilan ang diborsiyo para hindi na ayu­sin ang pagkakaiba o hindi pagkakasundo ng kanilang asawa.

Sa isyu ng decriminalization sa adultery at concubinage, kung ito ay papayagan, para na ring hinahayaan na lamang ang isang tao na manga­lunya at makagawa ng kasalanan.

Mas dapat umanong ayusin ang batas dahil lumalabas na may diskriminasyon sa hindi patas na trato sa mga babae kumpara sa lalaking nagkakasala.

vuukle comment

ARCHBISHOP SOCRATES VILLEGAS

AYON

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

KONSTITUSYON

MAAABUSO

PRESIDENTE LINGAYEN-DA

SIMBAHANG KATOLIKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with