Walang Pinoy sa bumagsak na German plane – DFA
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - March 26, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines - Walang Pilipino sa 150 pasahero at crew na pinaniniwalaang nasawi sa pagbagsak ng German plane sa France.

Ayon kay Foreign Affairs spokesperson Charles Jose, batay sa kanilang pakikipag-ugnayan sa embahada ng Pilipinas sa Paris, walang Pinoy sa listahan ng mga pasahero ng Lufthansa’s Germanwings flight 4U 9525. Una nang naiulat na 144 pasahero at anim na crew ang sakay ng eroplano na biyaheng Barcelona, Spain-Duesseldorf, Germany.

Ayon sa Germanwings, 67 sakay ay pawang Germans habang ayon sa deputy prime minister ng Spain, 45 ang pinaniniwalaang Spanish. May isang naitalang Belgian.

Kabilang din sa sinasabing sakay ng eroplano ang 16 na estudyante at dalawang guro mula sa Joseph-Koenig-Gymnasium High School sa Germany.

Sa pinakahuling impormasyon, narekober na ang black box ng eroplano. (Ellen Fernando)

AYON CHARLES JOSE ELLEN FERNANDO FOREIGN AFFAIRS GERMANWINGS JOSEPH-KOENIG-GYMNASIUM HIGH SCHOOL KABILANG LUFTHANSA PILIPINAS PINOY WALANG PILIPINO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with