^

Magsasaka pinutulan ng kamay

Ed Casulla (Pilipino Star Ngayon) - February 24, 2015 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Pinutulan ng kamay ang 38-anyos na magsasaka matapos itong pagtatagain ng kabarong magsasaka na kanyang nakaalitan kama­kalawa ng hapon sa Barangay Fabrica, bayan ng Bula, Camarines Sur.

Naisugod naman sa Bicol Medical Center ang bik­timang si Jayson Doroin habang nasakote naman ang suspek na si Pedro Bona Jr., 52, ng nabanggit na barangay.

Pinaghahanap din ng pulisya ang utol ni Pedro na si Ignacio Bona na sinasabing tinuruan ang suspek na putulin ang kamay ng biktima. Sa ulat ng pulisya, nagpapahinga ang biktima sa kanyang bahay ng sugurin at pagtatagain ng suspek.

Maging si Ignacio ay tumulong sa kanyang utol  na putulin ang kamay ng biktima.

Alitan sa lupa ang isa sa motibo ng mga suspek para isagawa ang pananaga laban sa biktima.

ALITAN BARANGAY FABRICA BICOL MEDICAL CENTER BULA CAMARINES SUR IGNACIO IGNACIO BONA JAYSON DOROIN PEDRO BONA JR.
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with