400 colleges, universities magtataas ng tuition fees

MANILA, Philippines – Tiniyak kahapon ng Malacañang na sasalain ng Commission on Higher Education (CHED) ang aplikasyon ng may 400 mga unibersidad at kolehiyo na nagnanais magtaas ng kanilang tuition fees sa susunod na pasukan.

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, hindi awtomatikong makakapagtaas ng tuition ang mga eskuwelahan ng hindi dadaan sa CHED.

Nakatakda umanong ipalabas ng CHED ang aktuwal na listahan sa darating na Abril o Mayo.

Ayon kay Valte, nais tiyakin ng gobyerno na ang mga colleges at universities na nais magtaas ng tuition fees ay nakasunod sa guidelines ng CHED.

“So we should expect the final list. I understand that there’s a number floating around, 400 daw, pero ito siguro ‘yung mga nag-apply o mag-a-apply pa lang at hindi ibig sabihin ay aprubado na ng CHED ‘yung mga increase na ‘yan,” paniniyak ni Valte.

Show comments