Lovelife ni PNoy sa 2015 maganda
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - January 3, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines - Hinulaan na magi­ging maganda ang lovelife ni Pangulong Aquino sa 2015 kung saan ay makikita na nito ang kanyang romantic relationship.

Ayon sa feng shui expert na si Marites Allen, masuwerte sa kanilang lovelife ang mga taong ipinanganak sa ilalim ng Year of the Rat na kinabibilangan ni Pangulong Aquino.

“Those born in the Year of the Rat, such as the bachelor president, will be lucky in love in 2015, thanks to the peach blossom star,” wika ni Ms. Allen sa Aquino and Abunda Tonight kamakalawa ng gabi.

Magugunita na inamin mismo ni Pangulong Aquino sa ilang mga media interviews na umaasa pa rin siya ng kanyang lovelife sa pagtatapos ng kanyang termino sa 2016 upang lumagay siya sa tahimik at magkaroon ng sariling pamilya.

“I will preempt the question and say, for the record: yes, my love life is still like Coke Zero. I hope that when I step down from the Presidency, it will at least go back to being like Coke Light,” wika noon ni PNoy sa inagurasyon ng Coca-cola plant sa Laguna.

Ilang kababaihan na ang naugnay kay Pa­ngulong Aquino tulad nina broadcaster Grace Lee, stock broker na si Len Lopez, teacher na si Bunny Calica, stylist na si Liz Uy, Barbie Palagos, Bais Mayor Karen Villanueva, Valenzuela Councilor Shalani Soledad, broadcast journalist Bernadette Sembrano, broadcast journalist Korina Sanchez, beauty queen turned actress Maricel Morales at sexy star turned politician Barbara Milano

Samantala, ayon sa isang source sa Palasyo ay may bagong apple of the eye si Pangulong Aquino sa katauhan ng isang flight stewardess ng Philippine Airlines (PAL). (Rudy Andal)

 

AQUINO AND ABUNDA TONIGHT BAIS MAYOR KAREN VILLANUEVA BARBARA MILANO BARBIE PALAGOS BERNADETTE SEMBRANO BUNNY CALICA COKE LIGHT COKE ZERO PANGULONG AQUINO YEAR OF THE RAT
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with