^

Bansa

Revilla pinapalipat sa regular na selda

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Iginiit kahapon ng prosekusyon sa Sandiganbayan na ilipat na sa regular na kulungan si Sen. Bong Revilla at dati nitong chief of staff Richard Cambe mula sa pagkakakulong sa PNP Custodial center sa Kampo Krame.

Ito ayon sa prosecution team na pinamumunuan ni Atty. Joefferson Toribio  ay matapos ibasura ng Sandiganbayan First Division ang hiling na piyansa ng naturang mga akusado sa kasong plunder may kinalaman sa pork barrel scam.

Ayon kay Toribio, itutuloy nila ang kahilingang mailipat sa isang piitan na pinangangasiwaan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) si Revilla kasama si Cambe.

Nilinaw din nito na sisikapin ng prosekusyon na mapagbigyan sila ng graft court sa hirit na garnishment o pagsamsam sa mga ari-arian ni Revilla na sinasabing kickback o komisyon ng mambabatas mula sa pork barrel nito na nailagak sa pekeng NGO ng negosyanteng si Janet Napoles.

Si Revilla at Cambe ay nananatiling nakapiit sa PNP custocial center sa Kampo Krame dahil sa naturang kaso.

AYON

BONG REVILLA

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

IGINIIT

JANET NAPOLES

JOEFFERSON TORIBIO

KAMPO KRAME

REVILLA

RICHARD CAMBE

SANDIGANBAYAN FIRST DIVISION

SI REVILLA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with