P200,000 reward vs kidnaper na rapist
Angie dela Cruz, (Pilipino Star Ngayon) - November 11, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines -  Magkakaloob ng halagang P200,000 bilang pabuya ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa sinumang makapagbigay ng impormasyon para sa mga suspects na sangkot sa pagdukot at panghahalay sa dalawang estud­yante sa Makati City.

Nais ni MMDA Chairman Francis Tolentino  na kaagad na madakip ang mga suspek kung kaya’t nag-alok ang tanggapan nito ng pabuya.

“We have to take these incidents seriously and act quickly for the arrest of the suspects,” ayon kay  Tolentino.

 Nabatid pa kay  Tolentino, na  maglalagay pa sila ng dag­dag CCTV sa bisinidad  ng Magallanes  Interchange upang dagdagan pa ang kasalukuyang monitoring system.

 Bukod dito, hihilingin niya sa National Capital Region Police Office (NCRPO) na magtalaga pa ng dagdag na tauhan upang masugpo ang naturang krimen.

Nabatid na ang pinakahuling biktima umano ay ang  isang 21-anyos na estudyante na umano’y dinukot at ginahasa ng apat na kalalakihang sakay ng isang van sa may Magallanes Interchange.

Ayon sa biktima  na itinago sa pangalang Glenda, noong Setyembre  30 ng taong kasalukuyan, alas-6:30 ng gabi, pauwi na siya galing eskwelahan habang naglalakad sa may EDSA-Magallanes Interchange, Makati City nang mapansin niyang may van na mabagal ang takbo at nakasunod sa kaniya.

Noon lamang  nakaraang linggo, isa ring 14-anyos na estudyante ang dinukot at minolestiya at sa kabutihang palad ay nakatakas mula sa kamay ng suspek.

AYON CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO MAGALLANES INTERCHANGE MAKATI CITY METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY NABATID NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE TOLENTINO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with