^

Bansa

Graft vs Cayetano, pulitika

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Politically motivated.

Ito ang sigaw ng kampo ng mag-asawang Sen. Alan Peter at Taguig Mayor Lani Cayetano sa isinampang kasong graft laban sa kanila sa Office of the Ombudsman kaugnay sa pagbili ng mga multicabs.

Ayon sa tagapagsalita ng alkalde na si Atty. Darwin Icay, nais lamang na maligaw ang imbestigasyon sa overpricing ng Makati building kaya itinaon ang pagsasampa nito sa mismong unang araw ng Senate hearing.

Sa ipinatawag na press conference ng Philip­pine Association for the Advocacy of Civil Li­berties (PAACL) matapos ang paghahain nito ng kaso sa Ombudsman, sinabi ni Prof. Rod Vera na nagkataon lamang na magkasabay ang pag­hahain nila ng kaso sa Senate hearing.

Sa pagtatanong ng media kung handa rin ang PAACL na maghain ng kahalintulad na kaso laban naman sa mga Binay bilang bahagi ng kanilang advocacy sinabi ng grupo na wala pa silang hawak na ebidensya ukol sa overpriced Makati building.

Kinumpirma naman ni Vera na magkaklase sila ng anak ni Vice Pres. Jejomar Binay na si Rep. Abigail Binay sa law school.

“Magkaklase kami pero sa isang semester lamang,” pahayag nito.

Ayon kay Icay, maituturing na bogus lamang ang reklamo laban sa mga Cayetano lalo at malinaw ang koneksyon ng mga complainant sa mga Binay.

Nabatid na si Vera ay nagtapos ng law sa Ateneo Law School at kasalukuyang nagtuturo ngayon sa PUP samantala ang isa pa sa complai­nant na si Atty. Philip Suwali ay kaklase rin umano ni Binay. 

“Any citizen has a right to file charges but the politics in this are clear,” pagtatapos pa ni Icay.

vuukle comment

ABIGAIL BINAY

ADVOCACY OF CIVIL LI

ALAN PETER

ATENEO LAW SCHOOL

AYON

BINAY

DARWIN ICAY

ICAY

JEJOMAR BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with