Bong Revilla suspendido sa Senado

MANILA, Philippines — Ipinasususpinde na ng Sandiganbayan si Ramon “Bong” Revilla Jr., sa kanyang puwesto sa Senado kaugnay ng kinakaharap na kasong plunder at graft.

Inilabas ng anti-graft court first division ang desisyon kung saan 90 araw masususpinde ang Senador at ang kanyang tauhan at kapwa akusadong si Richard Cambe.

"As prayed for accused Revilla and Cambe from their respective positions as Senator and Director III of the Office of Senator Revilla, and from any other public positions they may now or hereafter be holding, effective for ninety days from notice," nakasaad sa desisyon ni First Division chair Associate Justice Efren de la Cruz.

Nauna nang pinasuspinde ng Sandiganbayan ang iba pang akusadong senador na sina Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile.

Samantala, hindi pa naman ipinatutupad ni Senate President Franklin Drilon ang desisyon ng korte dahil hinihintay pa niya ang desisyon ng mga motion for reconsideration ng dalawang senador.

Show comments