Construction works sa NAIA-3, matatapos na

MANILA, Philippines - Matatapos na sa susunod na buwan ang cons­truction works sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 na magbibigay-daan para sa paglilipat ng lima pang airlines.

Ayon kay Transportation Sec. Joseph Abaya, sa sandaling matapos na sa Hulyo ang konstruksyon sa NAIA-3 ay lilipat na doon mula sa Terminal 1 ang Singapore Airlines, Delta, Emirates, Cathay Pacific at KLM Airlines sa Agosto.

Malaking tulong ito para ma-decongest ang Terminal 1 at mabigyang-daan ang mga on-going rehabilitation efforts doon.

Ang mga naturang proyekto ay bahagi ng major upgrading projects ng DOTC para sa NAIA, partikular na sa Terminals 1 at 3, upang maging komportable ang mga pasaherong gumagamit nito.

Una nang inianunsyo ng DOTC na ang pagsasama ng international passenger service charge (IPSC), o terminal fee, sa presyo ng airline tickets simula sa Oktubre upang hindi na kailanganin pa ng mga pasahero na pumila ng mahaba sa paliparan para sa pagbabayad nito.

 

Show comments