Obama nag-chopper patungo ng Malacañang

MANILA, Philippines - Hindi nadaanan kahapon ni US President Barack Obama ang mga kilos-protesta na inihandang pagsalubong ng mga militanteng grupo dahil nag-chopper ito o sumakay sa Marine One paglapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) patungong Malacañang Palace.

Sinalubong nina Vice-President Jejomar Binay, DFA Sec. Albert del Rosario, DILG Sec. Mar Roxas, Philippine Ambassador to US Jose Cuisia Jr. at US Ambassador Philip Goldberg si Pres. Obama paglapag ng Air Force One sa NAIA bandang ala-1:25 ng hapon kahapon.

Sinalubong naman si Pres. Obama ng 21-gun salute ng honor guard sa welcome ceremony sa Malacañang grounds saka ito dumiretso sa Malacañang Palace.

Sinaksihan din ni Pres. Obama at Pangulong Benigno Aquino III ang expanded bilateral agreements ng 2 bansa.

Nagdaos din ng joint press conference sina Pangulong Aquino at US President Obama sa Malacañang.

Binigyan din ni Pangulong Aquino ang bumibisitang US President ng state dinner sa Malacañang kaugnay ng 2-araw na state visit nito sa Pilipinas.

 

Show comments