^

Chairman binoga sa lamayan

Raymund Cantindig (Pilipino Star Ngayon) - January 27, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Nakaiwas kay kamatayan ang isang barangay chairman matapos na pumalya ang kalibre .45 na baril ng isang trigger happy na welder na nagwala at namaril sa sobrang kalasingan sa isang lamayan sa Brgy. Mambug, Sta. Cruz, Ilocos Sur kamakalawa.

Kinilala ni Ilocos Sur Police spokesman Supt. Marlo Castillo ang biktima na si Brgy. Chairman Aurelio Bantic ng nasabing lugar habang ang suspect ay si Peter Filarca.

Ayon kay Castillo, ru­mes­ponde ang Chairman sa pamamaril ng suspect sa  ere sa sobrang kalasingan sa isang inuman na naganap sa lamayan ng patay.

Tinamaan sa kaliwang hita ang biktima habang nakikipambuno sa hawak na baril ng suspect na tumangging sumuko.

Tumakas ang suspect matapos pumalya ang boga nito nang akma niyang tatapusin ang kanilang Chairman na nakabulagta sa sahig.

 

AYON BRGY CHAIRMAN AURELIO BANTIC CRUZ ILOCOS SUR ILOCOS SUR POLICE KINILALA MARLO CASTILLO PETER FILARCA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with