^

Bansa

3 araw na laya, itinumba

Ludy Bermudo­ - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kalalaya pa lamang umano mula sa Manila City Jail (MCJ) ng 35-anyos na binata nang paslangin ng hindi pa kilalang mga suspect  sa Tondo, maynila, kamakalawa ng gabi.

Namatay habang gina­gamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si Alex Torres,  ng Da­nganan St., Gagalangin, Tondo sanhi ng ma­tinding pukpok ng bato sa ulo.

Sa ulat ni SPO3  Ro­delio Lingcong ng MPD-Homicide Section  dakong alas-10:00 ng gabi nang madiskubreng duguang nakahandusay ang biktima sa  kanto ng Pag-asa at Cunanan Sts., Gagalangin, Tondo.

Mabilis na dinala ang biktima sa pagamutan subalit hindi na ito umabot­ ng buhay.

May teorya naman ang tiyahin ng biktima na si Carolina Capiral na posibleng  niresbakan ang kaniyang pamangkin ng mismong nagpakulong sa kaniya nang makitang nakalaya na ito. May 3 araw pa lamang umanong lumaya ang biktima.

 

vuukle comment

ALEX TORRES

CAROLINA CAPIRAL

CUNANAN STS

GAGALANGIN

HOMICIDE SECTION

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

KALALAYA

MANILA CITY JAIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with