Pondo ng CCT dadaan sa butas ng karayom sa Senado

MANILA, Philippines - Siniguro kahapon ng dalawang senador na dadaan sa butas ng karayom ang pondo ng Department of Social Welfare and Development para sa 2014 partikular ang conditional cash transfer (CCT) fund.

Sa magkahiwalay na panayam partikular na tinukoy nina acting Senate President Jinggoy Estrada at Sen. Nancy Binay na bubusisiin nila sa budget hearing sa pagpasok ng 16th Congress ang budget ng DSWD.

“I guess the DSWD ang social services sa agency. CCT kasama iyon,” sabi ni Binay nang tanungin kung aling bud­get ang pagtutuunan niya ng pansin.

Naniniwala naman  si Estrada na nagamit noong nakaraang eleksiyon lalo na sa Maynila ang pondo ng CCT ba­gaman at natalo pa rin dito ang kandidato ng administrasyon na si da­ting Manila mayor Alfredo Lim.

Hindi naman umano direktang pag-atake sa administrasyon ang gagawin nilang pagbusisi sa CCT kundi titingnan lamang nila kung talagang nagtagumpay ang programa na pinondohan ng nasa mahigit na  P40 bilyon ngayong 2013.

 

Show comments