Pantawid program ginagamit sa kampanya
MANILA, Philippines - Hinikayat ng Malacañang ang publiko na isumbong sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga pulitikong ginagamit ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa paÂngangampanya.
Nakarating sa Palasyo ang sumbong na ilang local government units ang nagrereklamo dahil ilang pulitiko umano ang nananakot na iipitin ang pondo para sa PPPPs kung susuportahan ang mga kandidato ng oposisÂyon o dadalo sa political rally ng mga ito.
Ayon kay Deputy PreÂsidential Spokesperson Abigail Valte, puwedeng i-report sa DSWD ang mga pulitiko na ginagamit sa hindi tamang paraan ang PPPs.
Ipinaalala ni Valte na tanging ang DSWD lamang ang maaaring magtanggal sa listahan ng mga benepisyaryo at hindi mga pulitiko.
Ipinaliwanag din nito na pinili ang mga mapapasama sa mga mabibiyayaan ng programa sa pamamagitan ng National Household Targeting System at hindi palakasan sa mga pulitiko.
Kung may mga natatanggal man umano sa programa ito ay dahil hindi tumutupad ang mga ito sa kanilang obligasyon sa ilalim ng programa.
- Latest




















