Ex-QC mayor Mel Mathay pumanaw na

MANILA, Philippines - Pumanaw na si dating Quezon City mayor Ismael Mathay Jr. ngayong Pasko.

Sa edad na 81-anyos namatay si Mathay matapos atakahin sa puso ngayong Miyerkules ng madaling araw.

Isinugod sa Medical City sa Pasig City ang dating alkalde ngunit hindi na ito naisalba.

Ihihimlay ang labi ni Mathay sa Christ the King parish sa Green Meadows sa Quezon City.

Nagsilbi bilang alkalde ng Quezon City si Mathay noong 1992 hanggang 2001.

Show comments