Matapobreng misis
Dear Vanezza,
Nasasaktan ako tuwing may hindi pagkakaunawaan ang misis ko at nanay ko. Wala naman akong puwedeng kampihan sa kanilang dalawa. Hindi ko rin masisi ang nanay ko na nasasaktan para sa akin sa pangit na trato ng matapobre kong misis. Ano ba ang gagawin ko?
Ron
Dear Ron,
Masakit sa kalooban ng isang ina kapag inaapi ang kanyang anak kahit ito ay misis mo pa. Sabihan si misis na huwag kang tatratuhin ng masama sa harap ng nanay mo. Mag-away man kayong mag-asawa ay walang dapat makakita o makarinig lalo na ang magulang mo. Pakiusapan din si misis na pagpasensyahan ang nanay mo. Para may blessings ang pagsasama ng iyong pamilya. Awatin din si nanay na huwag nang mag-alala sa problema ninyong mag-asawa na baka makasama pa sa kalusugan niya.
Sumasainyo,
Vanezza
- Latest















