^

Para Malibang

Sino ang Unang Nakaka-move-on sa Heartbreak?

EMOTE NG PABEBE - Pang-masa

“Karaniwan na iniisip na babae ang mahirap mag-move on dahil mas emosyonal kami. Lalo na kung sagad hanggang buto ang sakit. Sino ba ang nagsasabi na madaling maka-move on kaagad.” - Maimai, Manila

“May mga lalaki rin ang nadi-depress dahil sa breakup. Kasi hindi sila expressive. Yung ex ko nga hirap na makalimutan ko kahit pa 3 years na kaming hiwalay. Hindi siya maka-move on sa beauty ko.” - Jas, Batangas

“Pareho lang yan babae o lalaki, lahat ay dumadaan sa proseso na nasasaktan, nagkakaroon ng denial, hang­gang maghilom ang sugat sa iyong puso. May time akala mo naka-move on ka na, pero back to zero uli kapag na-trigger din ang sugat ng breakup ninyo.”- Michelle, La Union

“Naku, kung hindi lang naman worth it ang lalaki kahit pa ako ang iniwan, eh ‘di bye. Bakit ako magsasayang ng oras at panahon na magmukmok, kung alam ko naman na hindi ko deserve ang ganung lalaki. Magsasaya pa ako, dahil nakalaya ako sa hindi healthy na relasyon.”- Nezz, Kawit

“Babae o lalaki dapat walang drama-drama pa. Kapag break, break na. Maghanap uli ng iba.”- Len, Tondo

vuukle comment

HEARTBREAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with