Perfect na singing voice
Ang pagkanta ang pang stress reliever ng mga Pinoy. Hindi lamang para magpakitang gilas kung gaano kaganda ang kanilang boses kundi, upang ilabas ang tension at i-express ang sariling kalungkutan o masayang nararamdaman.
Kailangang matutunan ang tamang vocal exercises bago humirit ng matataas na nota. Ang boses ay inihahalintulad sa isang athlete na kailangang i-warm up na hindi lang basta birit nang birit sa pagkanta. Ang mga muscles sa lalamunan ay napakanipis na litid lamang na dapat ingatan.
Maraming vocal exercises para ma-improve ang overall na vocals. Importante lamang na maintindihan at maitama para maiwasan na masira kaysa gumanda ang singing voice.
Maging specific sa vocal exercises tulad ng gustong ma-improve na ma-hit ang high notes. Kailangang i-train ang vocal muscles nang tama bago sumabak sa kantahan.
Kantahin ang paboritong kanta para magsilbing vocalization para ma-relax muna ang mga muscles. Puwedeng i-mix ang boses para maging maganda ang registration ng blending.
I-practice na abutin ang mataas na note hanggang masanay na relax at kumanta nang hindi pumipiyok. I-practice ang perfect pitch. Doblehin ang paghinga para mas makakanta ng right note. Hanggang ma-transform ang boses sa perfect na vocal na tiyak ay mai-impress ang iyong audience.
- Latest
















