Bf takot ipakilala ang gf
Dear Vanezza,
May girlfriend ako, pero hindi ko maipakilala sa magulang ko dahil bukod sa 5 years old ang tanda sa akin, isa siyang single mother. Natatakot ako na hindi siya magustuhan ng magulang ko na mataas ang standard gaya ng mga napangasawa ng mga utol ko na hindi nila gusto. Pero mahal ko ang nobya ko maging ang dalawa niyang anak na ever since ay hindi tinanggap ang tulong ko para sa mga bata. Ano ba ang gagawin ko? – Marvin
Dear Marvin,
Kung talagang mahal mo ang iyong GF ay ipakilala siya sa iyong magulang. Kahit ano pa ang sabihin nila lalo na kung nasa hustong gulang ka na. Pero huwag babalewalain ang puna o payo na ibibigay sa iyo ng magulang mo dahil higit na mas malawak ang kanilang karanasan kaysa sa iyo. Pero kung makikita ng magulang mo na kaya mong panindigan ang iyong desisyon ay tiyak na susuportahan ka nila.
Sumasainyo,
Vanezza
- Latest