Bundok ng Bahaghari
Imposibleng marating ang isang bahaghari, pero posible mo na itong mapuntahan at ma-experience sa pamamagitan ng Rainbow Mountain sa Peru.
Ang Vinicunca o mas kilala sa tawag na Montaña de Siete Colores (Mountain of Seven Colors) ay matatagpuan sa isang rehiyon sa Peru.
Para makapunta ka sa tuktok nito, kailangan mo mag-hike nang mahigit anim na oras, medyo challenging din ang dadaanan kaya naman hindi ito inirerekomenda sa mga baguhang hiker.
Pero ano nga ba ang dahilan kung bakit iba-iba ang kulay ng nasabing bundok?
Ang gilid ng Rainbow Mountain ay binubuo ng mga kulay dilaw, berde, pula, at purple.
Ang rason nito ay ang yelong natunaw na kapag humalo sa minerals ay nagreresulta ng maraming kulay.
Ang pulang bahagi ay dahil sa rust mixtures, ang mga dilaw ay dahil naman sa iron sulphide, purple ay mula naman sa goethite o oxidized limonite, at ang berde ay galing sa chlorite.
Mahalaga na malaman ng mga umaakyat sa bundok kung ano ang magiging panahon sa araw ng pinagplanuhan nilang hike para mas masulit nila ang pag-akyat.
Mas maganda na umakyat doon tuwing umaga o gabi, puwedeng pagkatapos ng sunrise o bago mag-sunset.
- Latest

















