^

Para Malibang

Ensaladang labanos

BURP - Koko - Pang-masa

Ang ensaladang labanos o pickled radish ay isang uri ng side dish na bagay na bagay i-partner sa mga pritong pagkain gaya ng litson kawali, pritong isda o maging sa mga inihaw tulad na lang ng chicken inasal, inihaw na bangus at iba pa.

Tatagal ito sa refri­gerator ng hanggang isang linggo kaya kung kayo ay may family outing, tiyak na isa ito sa magpapasa­rap sa picnic ninyo.

Kakailanganin sa reci­pe na ito ang mga sumusunod:

Dalawang malaking labanos

Kalahating tasa ng asin

Isang hinog na kamatis

Sibuyas

Sili (optional)

Suka

Asukal

Paraan ng paggawa ng atsarang labanos:

1. Hiwain ng maninipis ang labanos. Pagkatapos ay ilagay sa lalagyan at saka ihalo sa asin ng mabuti. Ibabad ng 30-45 minuto.

(Ginagawa ito para alisin ang pakla at pait)

2. Hugasang mabuti ang labanos na binabad sa asin at i-drain.

3. Sa isang bowl, ilagay na ang labanos, hiwang kamatis, sibuyas, sili, asukal, suka, at konting asin.

4. Ilagay sa glass container at ilagay sa ref. Pwede na itong kainin kinabukasan

ENSALADANG LABANOS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with