^

Para Malibang

Panaginip ng aso, depende sa kanilang laki

HAYUP SA GALING - Pang-masa

Napapansin n’yo bang sumusipa ang inyong alagang aso, umiiyak, o ‘di kaya naman ay bigla-bigla na lang tumatahol sa kalagitnaan ng kanilang tulog?

Ayon sa mga pag-aaral, nakararanas din ng pana­ginip ang mga aso. At gaya ng mga tao, pwede silang maglakad habang natutulog o ‘yung tinatawag na “sleep walking”.

Ayon sa propesor na si Stanley Coren, author ng librong “Do Dogs Dream? Nearly Everything Your Dog Wants You to Know”, binabangungot din si bantay at puwede pang magkaroon ng narcolepsy (na ang ibig sabihin ay mabilis/biglang nakakatulog kapag nasa relaks na lugar).

Depende raw sa laki ng inyong alaga ang haba ng kanilang panaginip, ‘pag mas maliit ang aso ay maikli lang ang kanilang panaginip. ‘Pag mala­king aso naman ay asahang mas mahaba ang kanyang panaginip.

Hindi nag-iisa ang aso, dahil tulad nila, napatunayan ng mga scientist na nananaginip din ang mga daga. Naitala nila ang multiple neurons ng mga ito habang tulog at sa kanilang tala, aktibo sa pag-iisip ang mga daga kahit tulog na ang ibig sabihin ay nana­naginip din sila.

STANLEY COREN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with