^

Para Malibang

Isinumpang Nilalang

GRABE NA ‘TO - Pang-masa

Pinangangambahan ngayon ng mga residente sa Sultan Kudarat ang pagsilang diumano sa isang kakaibang nilalang.

Nagulat ang magsa­saka na si Josephine Repique, 40, may-ari ng isang buntis na kambing, nang magsilang ito ng kalahating-tao at kalaha­ting-baboy.

Ayon sa mga residente, baka raw may dulot itong sumpa at tinawag pa nilang anak ng demonyo.

Dalawa ang inilabas na supling ng nasabing kambing at ang isa naman dito ay normal.

“Nagulat kami, hindi namin maipaliwanag ang hitsura. Lahat ng kapitbahay namin nagsipunta sa bahay para masaksihan iyon,” pagkukuwento ni Josephine.

Walang balahibo ang nasabing nilalang at meron pa itong pusod na parang sa isang taong sanggol.

Ayon naman sa doktor na si Agapita Salces mula sa Institute of Animal Science of the University of the Philippines, hindi ito imposibleng mangyari dahil maaaring nagkaroon lamang ng genetic mutation ang inahing kam­bing habang nasa loob pa ng sinapupunan ang mga anak. Maaari rin daw na nakakuha ito ng sakit sa mga kagat ng lamok, sanhi para magkaroon ito ng kakaibang hitsura.

Namatay ang tatlong kambing at agad itong ini­libing.

vuukle comment

NILALANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with