^

Para Malibang

Lunas sa dry eyes

KIKAY KIT - DC - Pang-masa

Ayon sa National ­Heal­th Science, isa sa ba­wat tatlong tao ang nakararanas ng dry eyes o yung pagkatuyot ng mata.

Nangyayari ito kapag ang ating mata ay hindi nagpo-produce ng luha na siyang nagpapanati­ling hydrated ito. Isa pang dahilan nito ay kapag nag-evaporate ang luha ng ma­bilis.

Ang dalawang ito ay nangyayari dahil sa hormonal changes, environmental changes, paggamit ng contact lenses, at iba pa.

Ganun pa man, walang dapat ipag-alala dahil ma­aari itong solusyonan nang hindi bumibili ng mahal na gamot.

Ang luha ay binubuo ng oil, water, at mucus.

Kapag nairita o nasugatan ang mata, tumitigil ang eyelid gland ng pagpo-produce ng oil na siyang nagdudulot ng dry eyes.

Para maiwasan ito, su­bukang gumamit ng warm compress ng limang minuto gamit ang towel na pinainit.

Maaari ring subukan ang paglalagay ng pipino sa mata ng 15 minuto.

Napatunayan na rin ng ilang pag-aaral na isa pa rin ito sa pinakaepektibong paraan para i-hydrate ang ating mata at maiwasan ang pamamaga nito.

Pinaka-importante si­yempre ang pag-inom ng maraming tubig araw-araw.

DRY EYES

NATIONAL ­HEAL­TH SCIENCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with