^

Para Malibang

Cornstarch sa ulam

BURP - Koko - Pang-masa

Madalas na ginagamit ang cornstarch na pampalapot sa pag­luluto. Maaari itong ilagay sa sopas, pampalapot ng sabaw ng ulam tulad ng chop suey at iba pa. Ginagamit din ito na pampalutong sa pagkaing pinirito tulad ng tempura, fried chicken, at kahit sa isda.

Inilalagay din ito sa ilang ulam para naman hindi lumiit ito pagkaluto. Maari itong ilagay sa adobong pusit. Siguraduhin lang na hindi lalagpas sa isang kutsara ang dami ng ilalagay.

Pero may isa pang gamit ang “magic” ingredient na ito sa kusina. Alam n’yo ba na kayang tanggalin ng cornstarch ang buhol lalo na sa mga sintas at tali? Budburan lang ng conrstarch ang sintas o tali at mas madali nang matatanggal ang buhol nito. Maaari rin itong gamitin sa nabuhol na kuwintas o bracelet. Ilub­lob lang ang mga alahas sa cornstarch at siguradong mas madaling matanggal ang buhol sa mga ito.

Marami pang paggagamitan ang cornstarch at magugulat kayo na hindi lang ito isang malaking tulong sa kusina at pagluluto.

CORNSTARCH

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with