Protektahan ang sarili sa delubyo
Ngayong masama ang panahon, protektahan ang sarili sa super bagyo at dulot ng malakas na hangin nito. Malaki ang tulong kung makikinig sa radio at manood ng TV sa mga warning o instructions ng local officials.
1. Maging aware sa biglaang pagtaas ng tubig o pagbaba ng water level sa sapa o creek na kasunod ay mga natangay na debris.
2. Pakinggan ang tunog na indikasyon kung may landslide o mudflow.
3. Maging alerto sa pagmamaneho. Ang mga daan ay maaaring ma-block o magsara dahil sa pag-collapse ng debris.
4. Kung mayroong landslide o paglipad ng mga debris, kumilos ng mabilis na lumayo sa pinanggalingang direksyon o lugar.
5. Pumunta sa malapit na mas mataas na ligtas na lugar.
6. Kung may malalaking tipak ng bato na babagsak ay tumakbo ng mabilis sa shelter na puwedeng makapagtago. Hanggang maaari ay sa ilalim ng desk, table, o ibang matigas na furniture.
7. Lumayo sa mga site na mayroong baha o pagguho ng landslide. Huwag din humawak sa poste kapag nakalusong sa baha.
- Latest






















