Kaladkaring babae
Dear Vanezza,
Nandito ako sa Dubai at dalawang buwan na ang tiyan ko. Nagpasabi na ako sa magulang ko sa probinsiya na ikakasal na kami ng BF ko. Wala kaming balak ng BF ko na sabihin kina Inang at Tatang na buntis ako. Babalik agad kami sa Dubai. Ayaw kong madismaya ang magulang ko na isipin na kaladkarin akong babae. Tama ba ang desisyon namin? – Ken
Dear Ken,
Buntis lang kaladkarin na agad? Nasa inyo ang desisyon kung ano ang inaakala ninyong tama. Pero mabubuko pa rin kayo kapag nanganak ka na. Dahil tiyak na magbibilang sila ng buwan ng iyong tiyan. Saka ka na lang humingi ng sorry. Tiyak na mabubura ang kanilang galit kapag nakita na nila ang kanilang apo.
Sumasainyo,
Vanezza
- Latest
















