Importanteng laman ng bag
Ano ang mga random stuff na nakasilid sa loob ng inyong bag? Wallet ba ito? IDs, barya, powder, planner, panyo, at iba pa. Kalimitan ito ay laman ng mga bagay na pinaniniwalaang hindi komportable o ‘di mabubuhay kung hindi ito dala-dala sa loob ng bag. May mga taong hindi ma-imagine na ‘di makaalis ng bahay kapag wala ang mga nasabing items sa bag. Lalo na ang mga kababaihan na dapat ay laging ready na i-organize ang laman ng bag.
May mga checklists na kailangan mayroon ang inyong bag. Gaya ng salamin o compact pocket, upang ma-check ang itsura, ngipin, mukha, at ayos ng buhok. Ang tao ay parang hindi mabubuhay kapag walang cell phone, pero hindi lamang ito pantawag, pang text, o pag-check sa social media ngayon. Double purpose na rin ito para gawing salamin. Kailangan din mayroong travel size na tissue, lipstick, lip balm, perfume, ball pen at papel, gum o mints, suklay, pera, susi, at iba pa.
Anoman ang laman ng inyong bag, ito ay simbolo ng mga bagay na kailangan upang may matapos o may magawa sa inyong trabaho o maghapon.
- Latest


















