^

Para Malibang

Turn off sa mga kalalakihan

Pang-masa

Sa bawat relasyon ay gustong maging stronger at magtagal ang kanilang pagsasama. Kung gustong humantong sa forever ang love team ninyo ng partner, may tips sa mga kababaihan ng mga bagay na dapat iwasan dahil turn off sa mga kalalakihan.

Nagging – Pinakaayaw ng mga men ang mga babaing may bungangerang attitude. Generally turn off sa lalaki ang puro reklamo at isyu na pinipukol ng mga girls. Kapag nagsimulang hanapan ng mali at pinupuna ang lahat ng ginagawa niya, nadidismaya ang lalaki sa babae at sa inyong relasyon. Ayaw din ng mga mister at nobyo nang satsat nang satsat ang misis o nobya.  Napapagod din ang mga men na makinig na lang. Nagkakaroon ng imbalance sa conversation na hindi nabibigyan ng pagkakataon ang lalaki na magsalita. Kapag paulit-ulit ang ganitong ugali ng babae, tiyak na sooner or later ay lalayo na ang partner.

Clingy – Normal lamang na ma-obsess sa inyong BF, pero hindi namamalayan na hate ng mga lalaki ang sobrang pagka-clingy ng babae. Gusto lang ng babae na nasa tabi at ayaw nang palabasin ng bahay ang BF o mister. Laging naka-check kung saan at sino ang kanilang kasama. Ang sobrang obsession at pagka-clingy ng babae ay isa sa kinakatakutan ng mga lalaki.

Huwag masyadong paikutin ang mundo sa iyong partner, upang mabaling sa positivity ang relasyon sa pagbibigay ng konting space para sa isa’t isa.

vuukle comment

CLINGY

NAGGING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with