Spicy Buffalo-Style Chicken ng McDo grabe sa anghang!
Burp Review
Maraming Pinoy ang mahilig sa maaanghang na pagkain. Kahit nga sa sawsawan ay sobra maglagay ng sili ang iba. May iba naman na halos lahat ng putahe ay nilalagyan ng pampaanghang.
Tinikman namin ang pinakabagong Spicy Buffalo-Style Chicken ng McDonald’s at medyo napaatras kami sa anghang nito. Hindi rin namin masyadong nagustuhan ang amoy ng sauce. Tanging alat at anghang lamang ang aming nalasahan. Mas masarap siguro kung may kaunting tamis at asim ito para hindi lang purong sakit ng dila ang mararamdaman. Pero siguradong magugustuhan ito ng mahilig sa maanghang.
Hindi siguro para sa lahat ang lasa ng Spicy Buffalo-Style Chicken McDo, pero sa halagang P95 ay hindi na rin masama ang 1-pc chicken meal nito with drink. Burp!
Lasa: 1/5; Presentasyon: 2/5; Presyo: 3/5
Para sa mga suhestiyon tungkol sa pagkain, o kung mayroon kayong recipe na gustong ibahagi, maaa?ing mag-email sa [email protected]
- Latest
















