Close Deal sa Interview
Para magkaroon ng magandang close deal sa inaasam na trabaho, kailangang maging handa sa maigsi, pero malinaw na sagot kung bakit kailangan ikaw ang i-hire ng nag-i-interview.
Kahit hindi marami ang tanong ng interviewee, dapat handang makipag-usap sa top reasons kung bakit ikaw ang kailangang piliin sa rami ng nag-a-apply. Huwag sayangin ang pagkakataon na i-”wow” sa pinakamalupit o best reasons na dahilan ng pag-hire nila sa iyo.
Sabihin ang mga impressive strengths mula sa experiences at credentials na kaugnay sa top requirements na kailangan ng kompanyang papasukan.
Huwag kalimutang ilatag ang pamatay mong unique personality at kombinasyon ng iyong mahusay na skills.
Maging totoo sa kakulangan, pero gawing hamon na magagawa ang anomang responsibilidad na hinihingi ng trabaho.
- Latest