Sisig Rice Bowl ng KFC panalo!
Burp Review
Sisig ang isa sa mga paboritong kainin ng mga Pinoy. Hinding-hindi ito nawawala sa piyesta at maging sa inuman. Iba’t ibang sisig na rin ang naimbento ng mga Pinoy may pork, chicken, tuna, squid, tofu, at marami pang iba.
Ang rerebyuhin natin ngayon ay ang pinakabagong Sisig Rice Bowl ng KFC. Nakakaintriga dahil ang paboritong sisig ay mabibili na rin sa fast food.
So basically, hot shots (chicken bits) ito na may sisig sauce at toppings sa fried rice. Ang masarap pa rito ay ang malutong na chicken skin na kinakiligan namin sa sarap! Mayroon din itong leeks, sibuyas at mayonnaise na toppings. Medyo malasado naman ang itlog na side nito. Talagang parang typical sisig ang hitsura at amoy ng pinakabagong rice bowl nila. Singsarap din ng lasa ang amoy nito. Ang hindi lang namin masyadong nagustuhan ay ang fried rice na lasang sunog. Hindi namin sigurado kung natusta lang ang kanin o sadyang ganun talaga ang lasa. Hindi na lugi sa P99 na ala carte at P117 with drink per order nito. Burp!
Lasa: 4/5; Presentasyon: 4/5; Presyo: 5/5
Para sa mga suhestiyon tungkol sa pagkain, o kung mayroon kayong recipe na gustong ibahagi, maaaring mag-email sa [email protected]
- Latest

















