Sikreto sa Perpektong Korte ng Pancake
Burp Tips
Isa ang pancakes sa mga paborito ring kainin ng mga Pinoy sa agahan dahil bukod sa madali itong gawin ay marami pang maaaring ipares dito depende sa inyong panlasa. Sa panahon ngayon, napakaraming uri na ng pancakes ang naglabasan. Bukod sa iba’t ibang flavors nito ay may iba’t ibang hugis at laki na rin ito.
Nauuso ngayon ang mini-pancakes na hindi mabigat sa tiyan at masarap kainin sa merienda. Pero paano nga ba ang maayos na pagsukat at pagluto ng pancakes? Kadalasan kasi ay hindi pantay-pantay ang laki at sukat ng pancakes na iniluluto natin. Pero napakadali lang naman kung tutuusin ang pagluto at hulma nito na parang makikita sa mga sosyal na resto.
Ang paggamit ng measuring cup ay isang paraan para ma-achieve ang malinis at magkakasinglaki na pancakes. Depende sa inyong gustong laki, mamili lang ng measuring cup at ito ang gamitin sa pagtakal ng pancake batter. Burp!
Para sa mga suhestiyon tungkol sa pagkain at pagluluto, o kung mayroon kayong recipe na gustong ibahagi, maaaring mag-email sa [email protected]
- Latest


















