Masakit ang Tiyan, Puson, at Balakang (10)
Simpleng problema lang sa tiyan pananakit ng puson, balakang, o ibabang bahagi ng likuran pero puwedeng may seryosong dahilan din ito.
Puwedeng ito ay dahil sa Inflammatory Bowel Disease (Crohn’s Disease or Ulcerative Colitis), dahil sa ovulation, pumutok na cyst, pagbubuntis, ectopic pregnancy, at Endometriosis o Pelvic Inflammatory Disease o (PID) Pelvic-Floor Muscle Dysfunction na natalakay na natin.
Puwede rin namang dahil ito sa Interstitial Cystitis.
Ang Interstitial cystitis o bladder pain syndrome (BPS) ay isang malubhang problema sa pantog o bladder. Ito ay ang matinding sakit at pressure na mararamdaman sa bladder area. Kasabay ng mararamdamang sakit ang lower urinary tract symptoms na aabot ng halos anim na linggo pero wala namang infection o malinaw na dahilan.
Mararamdaman ang sakit sa ibabang bahagi ng tiyan (pelvic) area at sa bahaging genitals.
Mas tumitindi ang sakit kapag puno na ang iyong pantog at kung malapit nang ‘magkaroon’.
Ang iba pang sintomas na mararamdaman ay marami ang ihi na hindi kayang pigilan.
Puwede ring makaramdam ng sakit kapag nakikipag-sex. (Itutuloy)
- Latest

















