Mas madaling paghiwa ng mozzarella cheese
Burp Tips
Madalas gamitin ang keso sa mga putahe hindi lang sa merienda kundi maging sa mga dessert at ulam na rin. Pero may iba’t ibang klase ng keso at depende rito kung gaano ito kadaling hiwain. Isa sa mahirap hiwain ang mozzarella cheese. Ito’y dahil sa malambot at creamy ito. Paborito pa naman ang mozzarella cheese sa mga putahe lalo na sa mga sandwich at salad.
May tip ang inyong lingkod sa mas madaling paghihiwa ng malagkit na keso na ‘to. Ilagay lamang sa freezer ang keso ng 10-15 minuto bago hiwain. Sa ganitong paraan mas madali na itong mahihiwa dahil magbubuo ito at hindi na didikit sa kutsilyo. Burp!
Para sa mga katanungan at suhestiyon tungkol sa pagkain at pagluluto, maaaring mag-email sa [email protected]
- Latest
















