^

Para Malibang

Sino ang Mas Magastos, Lalaki o Babae?

EMOTE NG PABEBE - Pang-masa

* Hala, oo alam nang lahat na magastos kaming mga babae, pero ang totoo mas highly maintance pa minsan ang mga men.  Hindi nga sila magma-makeup, pero ang dami na rin seremonyas na ginagamit sa katawan ang mga lalaki. Mula ulo hanggang paa. – Sonia, Manila

* Mas magastos ang mga lalaki. Sa bisyo pa lang mga yan at pang porma araw-araw. Nakiki­pagkumpentensiya na rin ang mga lalaki pagda­ting sa luho sa katawan. Tapos kapag kasama ang barkada. Gastos pa rin yun kung paglabas din lang ng pera ang pag-uusapan ha.‘Di hamak na mas magastos ang mga lalaki, kumpara sa mga babe na marunong makunteto kung ano lang meron. Hindi na bibili ng kung anu-ano para lang sa limit na budget. – Cora, Zambales

* Ala eh, yung mister ko eh mas magastos pa sa akin. Kaya nga kapag suweldo eh kinukuha ko agad ang pera. Binibigyan ko lang siya ng sapat na pera. Abay kapag hindi ko kinuha ang suweldo niya eh wala pang isang araw ay ubos na ganuon. Hindi rin siya kamo makatanggi sa udyok ng mga kasama ah. Kapag nagyayaan akala mo baga eh ay madaming pera. – Ellen, Batangas

* Aba, mas magastos ang boys. Pang text lang eh araw-araw hindi mo naman mawari kung sino ang kausap. Kainis, gagastos pa yan sa gaming niya online ha. Habang naglalaro siyempre bibili pa yan ng pang meryenda niya gabi-gabi. Ang gastos ‘di ba. Gastos pa rin yun.  - Marites, Sucat

* Uy, oo nga nagma-make up ko, lipstics, at pabango pero ilang buwan naman yun bago maubos.  Hindi naman lagi ang bili ko ng mga kolorete sa mukha. Kahit pati ang stocking at medyas na gamitin ko ha. Buwan din ang inaabot kaya  matipid pa rin ang mga babae kung tutuusin. Pero huwag ka ang mister ko ha kada-suweldo may I buy siya ng T-shirt, polo, at pantalon. Take note hindi yun mumurahin. Dahil gusto niya ay branded ang tatak. Kaya sa mall talaga siya nabili. Samantalang ako minsanan lang bumili ng damit ko sa Baclaran at Divisoria pa. Talagang mga lalaki ang mas magastos, kumpara sa mga babae. Marunong lang  magdala ang mga babae sa pagiging pustura. Pero mas maraming inilalabas ang pera ang mga lalaki na kung gumastos ay akala mo wala nang bukas. – Jennifer,  Marikina

LALAKI O BABAE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with