Sino ang Mas Magastos, Lalaki o Babae?
• Babae siyempre. Grabe kaya silang mamili ng kung anu-ano. ‘Pag nakakita lang ng sale OA na kung mag-shopping ang mga babae. GF ko nga halos ma-max out ang credit card ‘pag nakakita na ng pulang sign na nakapaskil sa mga mall. Grabe talaga. – Maynard, Makati
• Sa kaso ko, lalaki. Ang lalaki kasi, hindi ‘yan mahilig mag-shopping pero kapag bumili ng gamit, ‘yung talagang mamahalin, at maganda ang kalidad para sa pangmatagalang gamitan. Ako personally, I find it more matipid kung bibili ng branded kesa sa mga nabibili sa bangketa. – Arnold, Cebu
• Depende siguro? Kasi kung binata at dalaga eh talagang hindi ‘yan matipid at kung ano lang ang naisip bilhin eh gagastusan nila. Pero kung mga magulang na at may pamilya ay ibang usapan na. Kami ng misis ko, magastos kami nu’ng magdyowa pa lang kami. Pero ngayong may mga anak na kami eh iba na priorities namin sa paggastos.
– Lian, Bataan
• Naku ang ate ko, ang nanay ko, at dyowa ko panay ang labas ng pera para magpasikat sa mga amiga nila. Ewan ko ba kung bakit napakarami nilang binibiling hindi naman kailangan sa buhay. Kaya ang sagot ko, babae talaga mas magastos. – Marivic, Davao
• May mga kaibigan akong babae na matipid. Mas magastos pa nga ako sa kanila eh. Hindi ko alam? Siguro mas maarte lang ako kaya mas marami akong binibiling kung anik-anik para ma-satisfy ang beauty ko. Char!
– Lando, Ilocos
- Latest



















