Sexual desire
Natural lamang na bumababa ang sexual desire o interes sa sex ng isang tao kapag matagal na ang relasyon at kapag nagkakaedad na.
Ito ay dahil sa iba’t ibang pressure sa buhay at kapag may mga anak na.
Bagama’t puwedeng mawala ang pagnanasa, possible pa ring mapanatili ang pagmamahalan at koneksiyon sa isa’t isa na maaaring bumuhay sa sexual desire.
May mga bagay na nakaaapekto sa Sexual Desire ng mga lalaki.
Testosterone - Ang pagbaba ng libido ng mga lalaki ay karaniwang iniuugnay sa pagbaba ng testosterone levels at pagbabago sa receptor site sensitivity sa androgen. Pagdating ng mga 50’s, bumababa ang testosterone production
Erectile Function - Ang pagbabago sa erectile function ay makakaapekto sa sexual desire. Ang mga sintomas ay pagbaba ng blood flow sa scrotum at penis; hindi masyadong nagte-tense ang scrotal sac at delayed erection. Sa kasagsagan ng mga lalaki, naa-achieve nila ang full erection ng segundo lamang habang ang matatandang lalaki ay mangangailangan ng ilang minuto para ma-achieve ito.
Penile sensitivity – Bumababa ang sensitivity ng penis kapag nagkakaedad na. Kaya mangangailangan ng mas mahabang foreplay.
- Latest
















