^

Para Malibang

Addiction sa Video Games

Pang-masa

Ang pagkaadik sa video games ay nararanasan sa buong mundo mapa-bata o matanda man. Kahit hindi pa officially kinikilala ang addiction sa video game, pero tumataas ang bilang ng mga tao na humaharap sa ganitong katotohanan, na dumaranas ng matinding pagkaadik sa paglalaro ng video and computer games.

Hindi naman lahat ng naglalaro ay sinasabing “addict” pero maraming bata at teenagers ang nakapaglalaro ng ilang oras sa kanilang weekends, na marunong magbalanse ng kanilang school activities, grades, pakikipaglaro sa kanilang kaibigan, at may oras sa kanilang pamilya.

Sa research, may mga taong hindi makontrol ang kanilang pagkahilig sa video game, na sobra ang pagkahumaling sa fantasy world ng computer ay nakakalimutan na ang pamilya, pag-aaral, at pati ang pagkain o pagligo.

Kapag nakapag-log in na ito ay ayaw nang paawat sa paglalaro ng online dahil sa naghahangad na magkaroon ng high score, gustong matalo ang kalaban, at nabubuhay mismo ang charater sa kanilang pagkatao kaya nagkakaroon ng emotional attachment ang manlalaro na mas lalong nahihirapan mapigilan ito.  Maging ang kanilang kalaban sa online ay nagiging buhay na buhay sa World Warcraft na sa isip nila ay totoong may hawak sila ng baril na nakikipagpatayan sa kaaway.

Sa mundo rin ng gaming world sa online ay nakararamdam ang tao na “belong” kung saan tanggap sila ng mga kapwa nila manlalaro, lalo na kung ang  bata ay nabu-bully sa eskuwelahan o sa kanilang mga kalaro sa labas ng bahay. Nagiging negatibo ang kanilang pag-uugali at nagkakaroon ng moods dahil na rin sa addiction sa video games.

May mga debate pa patungkol sa addiction sa video games na lumalaking problema ng mga magulang at maging ng mga teachers ng kanilang mga estudyante na dapat bigyang pansin at kung paano ito iiwasan.

vuukle comment

ACIRC

ADDICTION

ANG

BATA

KAHIT

KANILANG

KAPAG

MGA

NAGIGING

VIDEO

WORLD WARCRAFT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with