^

Para Malibang

Aswang Territory 1

Pang-masa

NAGLALAKAD sina Avia at Armani.

Napakaganda ni Avia, kasingdilim ng gabi ang makapal at alon-alon niyang buhok. Napaka-sexy ng katawan. At napakakinis ng balat.

Nangungusap din ang mga maiitim niyang mata. Ang mga labi na sensuwal ang kapal ay tanga lang ang lalaking hindi mangangarap halikan.

At si Armani ay matangkad, fit ang pangangatawan, maputi, mukhang geek dahil sa kanyang corrective glasses. Guwapo.

Si Armani lamang ang nagbitbit ng kanilang dalawang backpacks. Si Avia ay tanging isang shopping bag ang dala, hindi masyadong puno ng laman.

Dalawang garapon ang nasa loob, saradong-sarado. Ito ang pasalubong niya sa kanyang pamilya.

Malapit na sila sa maitim na gubat.

Dahil nga papadilim na, lalong nagiging kakila-kilabot tingnan ang gubat na ito.

Nilinga ni Armani si Avia. “Are you sure of this? Ako, siguradong-sigurado. Ikaw kaya?”

Ngumiti si Avia. “Kung ikaw sigurado, sigurado rin ako.”

“So ... tayo na?”

“Oo, tayo na ... tayo nang pumasok sa gubat.”

“Sabay na tayong lumakad ...”

Humakbang na nga ang dalawa. Nang may maalala si Avia.

“Armani! Sandali! Hindi natin dapat nakalimutang mag-apply ng oil!”

“Oil? Anong klaseng oil? At bakit?”

“Oil na kapag naamoy nila ay malalaman nilang kauri ang mga dumada­ting. Halika na dito ...” Nailabas na ni Avia mula sa bulsa ng kanyang mahabang palda ang isang maliit na bote. Ang oil na napakaimportante.

Agad siyang nagpahid nito sa kanyang mga braso at kamay. Sa kanyang leeg. Sa kanyang mukha. Sa mga legs na nakasilip sa laylayan ng palda.

Saka niya hinilamusan din ng oil ang mukha ni Armani. Ang mga braso at kamay nito. At itinago niya uli sa bulsa ng palda ang bote ng oil.

“Halika na, pumasok na tayo sa teritoryo ng mga aswang, Armani. Nakahanda na tayo.”

Tumango si Armani at nag-sign of the cross muna.   -Itutuloy

 

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANONG

ARMANI

AVIA

DAHIL

HALIKA

MGA

OIL

SI ARMANI

SI AVIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with