^

Para Malibang

Island of the Undead 157

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

ANG mga undead soldiers ni Reyna Coreana/Reyna Miley ay hindi mapalagay.

 “Tingnan nga natin uli kung ano na ang nangyayari sa chamber. Duda talaga ako na may kakaiba, e.”

 “Halikayo ...”

Sinilip lang nila ang direksiyon ng chamber.

“O, ang liwanag na doon! Saka ... ano ‘yan? Wala nang mga braso at kamay ang dakilang imahe ng panginoon natin! At pisak ang kanyang isang mata!”

“Hulihin na natin! Sabi na sa inyo, ang korona niya ay iba sa koronang suot na nang matagal ni Reyna Coreana!”

“Hindi siya si Reyna Coreana! Kaya hindi siya natutulog sa mga oras na himbing na himbing ang ating reyna!”

 “Siya ang totoong Miley! Hindi siya si Reyna Miley!”

“Ano pa ang hinihintay natin? Hanggang sa madurog at maging abo ang imahe ng panginoon ni Reyna Coreana?”

“Nakaplakda sa sahig ang tatlo nating kasama, kita n’yo ba?”

“Kalaban nga ‘yan! Hindi siya si Reyna Coreana!”

Sumenyas sila sa mas marami nilang kasamahan na nagkukuwentuhan na rin tungkol sa nangyayari sa loob ng chamber ni Reyna Coreana.

Susugod daw sila sa loob.

PATULOY na nagdadasal si Miley nang biglang may pumalo sa kanya at nagdilim ang kanyang pa­ningin.

Walang malay na bumagsak sa sahig si Miley. Halos katabi ang mga undead soldiers na nilabanan niya kanina at ngayon ay wala pa ring malay ang mga ito.

NATIGILAN naman sa pag-iyak at pagsigaw si Reyna Miley na ngayon ay wala nang mga braso at kamay, pisak na rin ang isang mata.

“N-nararamdaman kong bumitiw sa akin ang puwersa ng kalaban! Oo nga! Oo nga! Wala na ang sakit ng aking katawan, parang hindi na mauulit na may mada-damage sa sarili ko!”

Kinabahan si Lorenz, pati na rin ang mga kasama.

“Ano kaya ang nangyari kay Miley sa kuta ng mga undead? Diyos ko po, huwag naman po sanang napahamak na siya.” Sabi ng isang babaing kasamahan.

Humalakhak si Reyna Miley. “Hahahahaaa! Malamang napatay na siya ng aking panginoon! Papayag ba naman ang aking sinasamba na matatalo kami?”

Hindi na nakatiis si Lorenz, iniwan ang mga kasama, tumakbo sa direksiyon ng kuta ng mga undead. “Mileeeyyyyyyy!”

 ITUTULOY

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANO

HINDI

LORENZ

MGA

MILEY

OO

REYNA

REYNA COREANA

REYNA MILEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with