^

Para Malibang

Island of the undead 153

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

PARANG hindi makahinga si Reyna Coreana habang nagdadasal na rin si Lorenz at mga kasama.

“Hail Mary full of grace ...”

“Tumigil na kayooo! Mga walanghiya kayo! Kapag nakaalis ako dito, papatayin ko kayong lahat!”

Parang walang naririnig, patuloy lang na nagdadasal sina Lorenz. Ang mga kababaihan ay kumanta pa ng mga awiting papuri sa Diyos.

Nagwawala na si Reyna Coreana. “AAAAAHHHHH! Aking sinasambang panginoon, bakit nananahimik kayoooo? Bakit ninyo ako pinapabayaan ditooo? Nahihirapan na akooooo!”

SI MILEY ay patuloy pa rin sa pagdadasal. Papaliwanag na nang husto ang kanina lang ay madilim at maruming chamber ni Reyna Coreana.

Pero may mga sundalong nakapasok malapit sa chamber. At nakikita nila si Miley na kung tutuusin, ang kasuotan ay mala-Reyna Miley.

“Aba, bakit nakatalikod si Reyna Miley habang sumasamba sa kanyang panginoon? Di kaya magagalit ang panginoon niya sa ginagawa niyang ‘yan?”

“Oo nga! Nakakapagtaka at masyadong kakaiba. Kailanman hindi ‘yan ginawa noon ng ating reyna. Saka tingnan mo, o ... napapansin n’yo rin ba na lumilinis at lumiliwanag ang silid ni Reyna Coreana? Saka bakit parang may mabining hangin na umiihip diyan?”

“Patigilin kaya natin si Reyna Miley?”

“Baka naman mapagalitan tayo?”

“Paano kasi kung ... kung may kakaibang nangyayari? Paano kung tayo ang  mapapasama?”

“Palagay mo, may problema tayo?”

“Basta lapitan natin at patitigilin ng ganyang pagdadasal kasi parang hindi na ‘yan nagdadasal sa kampon ng kasamaan, e!”

Nagkasundo ang mga undead kawal na pumasok sa chamber. At kahit takot, sinita si Miley.

“Reyna Miley, tumigil muna kayo sa inyong pagsamba! Iba ang nangyayari, e. Parang hindi kumakampi sa inyo ang inyong panginoon.”

Kinakabahang bigla si Miley.

Takot na mabubuko na hindi naman talaga siya ang undead na reyna.

At ayaw niyang tumigil sa takot din na baka kapag tumigil siya ng pagdadasal ay magiging makapangyarihan na naman ang imahe ng kampon ng kadiliman. At manganganib siya at mga kasamahan sa kanilang kampo.

 ITUTULOY

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

HAIL MARY

LORENZ

MGA

MILEY

PAANO

REYNA

REYNA COREANA

REYNA MILEY

SAKA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with