Island of the undead 133
(The Philippine Star) - November 22, 2015 - 9:00am

HINDI nagawang itarak ni Blizzard ang patalim sa likod ni Miley.

Narinig niya kasi ang malungkot na paghuhuni nito ng theme song nila.

 “M-Miley?”

Biglang napalingon si Miley, natigil sa paghuhuni. Nakita ang patalim sa kamay ni Blizzard.

“B-Blizzard … papatayin mo ako?”

Hindi makasagot si Blizzard.

“Ano ba ang nangyayari sa ‘yo? Nawala ka. Tapos ngayon nasa side ka na pala ng mga masasama. And now you want to kill me?”

“Iba na ang mahal mo. Si Lorenz na!”

“Mabuti siyang tao. Pero hindi ko sinasabing mahal ko na siya. Na handa ko na siyang ipalit sa ‘yo.”

“Pero … pero kayo ang bagay, e. Kasi matalino siya, matalino ka rin. Eh, ako … ang humahanga lang naman sa akin si Reyna Miley, e. Hangang-hanga siya sa akin. Lalo na kapag nagla-lovemaking kami. Pinapaligaya ko raw siya.” Nagmamalaki pa si Blizzard.

Nagalit si Miley. “At ‘yan lang ang kaya mong ipagyabang? Puro pleasures! Sana ang maisip mo naman ay ‘yung kung ano ang mabuti! Lalo na sa sitwasyon natin! Hindi lang tayong dalawa ang nanganganib sa islang ito, marami pang iba! Sana ang inuuna mo ay ang pag-iisip kung paano tayo makatakas dito! Para masabi natin sa lipunan na may isang isla na puno ng mga alagad ng demonyo! Para maiwasan na ng iba pang tao ang panganib sa islang ito!”

“Lagi ka na lang talagang negative sa akin! Lahat na hindi ko naiisip, tama! Lahat na naiisip ko, mali!”

“Hindi ka bobo, Blizzard. It’s just that … nagiging selfish ka na. Nang maligaw tayo dito klaro kung para kanino at saan ka. Sa kabutihan. Pero habang nagtatagal ka dito sa isla, nagiging makasarili ka. Kaya nagiging alipin ka ng isang pekeng kagandahan dahil bumababaw ang mga values mo!”

Nagalit na si Blizzard. “Sabi ko na nga ba’t puro pintas lang ang mapapala ko sa ‘yo, e! Tama si Reyna Miley … dapat na nga kitang patayin!”

At nanlilisik ang mga mata ni Blizzard nang sumugod kay Miley.

Pero mabilis si Miley, nasipa agad sa mga hita si Blizzard. Tihaya si Blizzard.

Tumama ang ulo nito sa nakausling bato, tulog.

GALIT na galit naman si Reyna Miley.

“Lumabas kayo at palayasin sila! Hindi pwedeng para nila tayong ikinukulong dito! Labaaaas! Huwag kayong matakot sa mabahong amoy ng mga tanim nilaaaa!”

 ITUTULOY

 

ACIRC ANG BLIZZARD HINDI LAHAT MILEY NAGALIT PERO REYNA MILEY SANA SI LORENZ
Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with