^

Para Malibang

Nakababaliw na mga phobia

Pang-masa

Lahat talaga ng tao ay may kinakatakutan katulad ng daga, aso, at kahit sa simpleng pagpapa-checkup lamang. Pero kapag sumob­ra na ang takot na hindi na ito maipaliwanag; at kapag nagbibigay na ito sa iyo ng anxiety na nakagugulo na sa normal mong buhay, phobia na ang tawag dito.  May ilan pang nakatutuwang phobia ang ibang tao:

Chiraptophobia – Takot mahawakan, ni hindi madampian kahit ang dulo ng kanilang kamay at daliri, Ayaw din magpayakap. Ang ibang tao, ni hindi makatiis na makapanood ng dalawang taong nagyayakapan sa simpleng panonood nito sa TV o movie screen na para siyang sinisilaban. Kaya panay ang iwas at hindi lumalapit sa ibang tao.

Maaaring nakaranas siya ng traumatic expe­rience na puwedeng physically o sexually. Puwede ring nagkulang sa pagkalinga, atensyon, o pagmamahal ang kanyang magulang nung bata ito, na maaaring na-develop ang ganitong takot.

Minsan sa tindi ng atake ng ganitong phobia ay nahihilo, lumalakas ang tibok ng puso, at nenerbyos.

Mysophobia – Tinatawag din itong verminophobia, germophobia, bacilliophobia, at bacteriophobia. Ito ay sobrang takot na makontiminado ng  mikrobyo o dumi. Kaya hindi ito lumalapit o dumidikit maging sa kanyang ka-partner dahil ayaw nga mahawaan ng germs.

Anuptaphobia – Takot na hindi makapag-asawa. Pero sa ibang tao ang epekto ng  anuptaphobia ay takot naman makasal sa maling partner o tao. Sa kahihintay niya kay Mr. Right, walang abisong biglang magpapakasal sa isang tao at hindi iniisip ang magiging consequences sa bandang huli.  May kaso rin ng severe phobia ng anuptaphobia na takot maging single o iwanan ng partner, kaya kahit inaabuso na ito ng kanyang asawa o kasama ay nanatili pa rin siya sa kanilang relasyon dahil ayaw niyang mag-isa sa buhay.

Gamophobia – Kabaligtaran naman ito ng anuptaphobia dahil takot ito mag-asawa o pumasok sa isang commitment. Sabi ng expert, puwede naman magkaroon ito ng relasyon pero takot sa commitment.  May pangamba kasi ang isang tao na pumalpak ang kanyang wedding day. Meron din indibiduwal na takot na baka may  ma­ling mangyari, magkaproblema ang kanilang buhay may-asawa o pagsasama sa isang relasyon, kaya mas gugustuhin na lang niyang maging single.  Maaa­ring kasing nagkaroon siya ng trauma sa kanyang past relationship, kaya napapaso na rin siyang pumasok muli sa isa pang commitment.

Hindi naman ibig sabihin ay baliw ka na sa mga nararanasang phobia. Dapat lang maintindihan muna ang klase at problema ng phobia. Huwag mag-alala dahil kahit gaano pa katindi ng nararanasang takot at anxiety ay nagagamot ito na kailangang lang malampasan.

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

HINDI

ITO

KAYA

LEFT

QUOT

STRONG

TAKOT

TAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with