^

Para Malibang

Hinamak ang GF

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ako po si Leng, may bf ako, nag-aaral siya at 2 years na lang po bago makatapos. Mahal na mahal ko po siya at mahal niya rin ako. Kami lang dalawa ang nakakaalam sa aming relasyon, 6 months na kami.

Hanggang nabuking na magsyota nga kami. Ngayon nalaman ng magulang niya. Nagalit sila dahil baka raw hindi siya makatapos sa pag-aaral.

Hindi rin daw ako bagay sa anak nila dahil siya raw ay may pinag-aralan samantalang ako ay wala. Tama sinabi ng nanay niya dahil hindi ako nakatapos ng high school kaya pilit ko siya ng kakalimutan kahit masakit. Sana matulungan n’yo ako.

Dear Leng,

‘Wag kang malungkot kung hindi man naging maganda ang pagtingin sa’yo ng mga magulang ng bf mo.

Sa isang banda, hindi mo sila masisi dahil maaaring mataas ang pangarap nila sa kanilang anak at natatakot sila na hindi siya makatapos ng pag-aaral kung maagang makikipagrelasyon.

Sa halip masaktan, bakit hindi mo rin ipagpatuloy ang iyong pag-aaral? Gawin mong challenge ang “paghamak” na ito sa’yo.  At habang nag-aaral ang bf mo, ituon mo ang iyong panahon sa mga bagay na magpapaunlad ng iyong kaalaman.  At ito ang patunayan mo sa kanila.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

ACIRC

AKO

ANG

DEAR LENG

DEAR VANEZZA

GAWIN

HANGGANG

HINDI

NAGALIT

NGAYON

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with